Unang
Dalawang Taong Panunungkulan ni
Mayor Boyet Ynares
Pang
Edukasyon
Sa kasalukuyan,
umaabot sa 427 ang iskolar na sinusuportahan ni Mayor at bukod dito
mayroon pa siyang 24 estudyante na pinag aaral.
Suportado din ni Mayor ang Special Program
for Employment of Students (SPES), kung saan 300 estudyanteng taga-Binangonan
ang naging beneficiaries. Nagdagdag pa si Mayor ng 35 pang estudyante
na personal niyang pinasweldo. Ang mga beneficiaries ay pinili mula
sa mga kapus-palad na mga mag-aaral at sila ay nagtrabaho sa Munisipyo
sa loob ng 10 hanggang 30 araw.Muling namigay si Mayor ng mga bags at
iba pang school materials sa mga
elementary students ng District I, II and III. Umabot sa 5,433 ang mga
bags at school materials na naipamahagi sa ating mga batang mag- aaral
na pinili katulong ang MSWD mula sa mga kapus-palad na pamilya sa ating
bayan. Ang proyektong ito ay sa tulong nang Thunderbird Resort, Yuvallos
family of Cebu City at iba pang kaibigan ni Mayor na sumusuporta sa
kanyang mga adhikain at layunin.