stats

Unang Dalawang Taong Panunungkulan ni Mayor Boyet Ynares



Programang Medikal


Katulad ng ipinangako ni Mayor Boyet, tuluy-tuloy pa rin ang ginaganap na MEDICAL AT DENTAL MISSION sa ating bayan sa tulong ng Thunderbird Resort na isinasagawa sa iba’t-ibang Barangay sa Binangonan. Sa loob ng dalawang taong panunung- kulan ni Mayor Boyet, nagkaroon na tayo ng 32 medical at dental missions.


Maliban sa monthly medical at dental mission isinagawa ni Mayor Boyet na magkaroon ng Doktor na regular na bumibisita sa lahat ng Barangay sa isla nang Talim upang mamonitor ang health condition ng mga residente doon.

Namigay din si Mayor ng mga wheelchairs sa ilan nating mga kababayan na disabled sa tulong ni Mrs. Veronica Rivera ng Petron Gas Station.



Umabot na sa 52 ang ating mga kababayan na nabigyan ng FREE CATARACT OPERATION, at ito ay madadagdagan pa. Ang nasabing libreng operasyon ay magpapatuloy kada taon.

Sa unang pagkakataon, sa ating Hospital sa Pritil mayroon na tayong mga espesiyalistang doktor (PEDIA) na tumitingin sa mga batang may sakit tuwing Lunes at Biyernes, 9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali at OB Gyne tuwing Biyernes at Linggo, 9 ng umaga hanggang 3 ng hapon

 

Patuloy pa din ang serbisyo ng Botika ng Bayan kung saan libreng makakakuha ng gamot.



Back to top

Government Portal

Copyright © 2010 The Official website of MUNICIPALITY OF BINANGONAN
Website Design by: MIS Department