On
the Hill and Taking Charge
Mula
sa aking kamusmusan hanggang sa aking pagbibinata at dahil na rin sa
paghanga ko sa aking amang Bokal Miroy Ynares, nadama ko sa aking malimit
na paglagi sa kalsada, ang mga pangkalahatang pangangailangan, problema
at mga hinaing ng mga masang mamamayan.
Mula sa Elementarya
sa Binangonan Elementary School noong 1967 at High School sa Binangonan
Catholic High school nuong 1971, hanggang sa ako ay nag kolehiyo sa
Maynila. Lumaki ako at nakisalamuha sa mga ordinaryo, mahihirap at pati
na rin sa mga mamamayang eletista at mga aristokrata.
Ang pakikisalamuha
ko sa iba’t ibang uri ng tao ay nagturo sa akin ng maraming bagay
(Mabuti at Masama). Marahil dala ng aking kabataan at kapusukan lagi
akong nasasali sa mga gulo, marami rin akong nasamahang grupo at dahil
kami ay mga batang isip ay madalas nakakagawa ng kapilyuhan. Dumating
ang kabanata sa aking buhay ng ako ay nag asawa ng taong 1976 ngunit
patuloy pa rin ang aking ginagawang pakikisama sa aking mga kabarkada
maski na ito ay lagi naming pinag-aawayan ng aking asawa. Sa panahong
ito hindi pa rin ako tumitigil sa pakikisalamuha sa mga kababayan ko
sa Binangonan. Nariyan pa rin ang mga Inter-Barangay at Inter-Commercial
Basketball tournament na taun-taon kong masusing ipinatutupad, kahit
ako ay isang ordinaryong mamamayan lamang. Patuloy pa rin ako sa taunang
“Batang Poblacion” na hanggang ngayon ay tuloy pa rin. Nagtayo
kami nang negosyo ng aking asawa at ito ay tumagal ng humigit kumulang
sa tatlong taon. Ang negosyo ay bumagsak at madami naman siguro nakaka
experience na kapag ikaw ay papunta na sa pagbagsak nawawala ang mga
inaakala mong kaibigan. Dito ay napag isip-isip ko na tila walang nangyayari
sa aming buhay. Nag-usap kaming mag asawa at napagkasunduan naming mangibang
bansa. Nauna akong nagpunta sa America nuong 1977 at mapalad na nakapag
trabaho sa U.S. Airlines sa Washington
D.C. ngunit hindi nagtagal ay bumalik ako ng Pilipinas. Taong 1988 ay
bumalik ako sa America at tumira sa aking kapatid sa Maryland, U.S.A,
dahilan sa visitor’s visa lamang ang hawak ko pumasok ako sa isang
Pilipino contractor na ang business ay landscaping, tumagal din ako
ng may apat na buwan at naghanap ako ng ibang mapapasukan sa dahilang
laging late ang suweldo. Napasok ako sa isang courier company na nagdedeliver
ng mga computer print outs sa different hospitals sa Washington D.C.,
after two years lumabas ang aking working permit sa immigration at ako
ay nag apply na muli sa U.S. Airlines sa Washington D.C., at dahilan
na maganda ang previous working record ko ay pinagbigyan nila ako na
muling makapagtrabaho. Habang ako ay nasa Airlines kumuha pa ako ng
isa pang trabaho at pinalad naman akong mapasok sa ALDON Management
Corporation, in Bethesda, Md. As resident Manager of their property
on Connecticut Ave., Washington D.C., at dito ay tumagal ako ng walong
taon. At habang ako ay nasa ALDON management ay nag part time din ako
sa GEPPETTO Restaurant sa Georgetown, Washington D.C. as delivery driver.
Sa Amerika,
dito ako nahubog at lumawak ang pananaw sa buhay, dito namulat ang aking
isip sa mga bagay na nakatulong sa akin sa paglilingkod sa bayan. Ito
ay ang disiplina, kasipagan, kaayusan, maagang pagpaplano, pagtitiis
at pagiging tapat sa tungkulin, sa aking pamamalagi sa America ng 11
taon dito ako tumatag, nagyabong, umunlad at nagbago. Ika nga sa Ingles
“There is no other better teacher in life than experience”.
Nang ako’y
magkaroon ng pagkakataon na manalo at nagsilbi bilang konsehal ng bayan
noong 2004 dito ko nagamit ang mga hirap, pagod at mga pagsubok na naganap
sa buhay ko. Nuong ako’y maging Mayor noong 2007, marami ang nag-akala
na ako ay mura at malambot, kapos at kulang pa sa pamumuno bilang Mayor.
“I have
proven them wrong; my dedication together with the new energy I have
given this local government unit has transformed and uplifted Binangonan
to new heights. With the support of the people behind me, there is still
so much that can be done for our town.”
“I am
now on top of the hill, watching over everybody and from the time I
am here until I leave I say to you. LET ME TAKE CHARGE.
Back
to top
|