Unang
Dalawang Taong Panunungkulan ni Mayor Boyet Ynares
Tulong
sa Mamamayan
-
Ang dating P170.00 na bayad sa pagkuha ng Police clearance ay ibinaba
ni Mayor sa P120.00 na lamang. Inalis na din ni Mayor
ang bayad sa documentary stamp tax at exempted
na sa notaryo ang lahat na kumukuha ng permits na mayroong gross sales
na below P300,000.
Isang KASALANG BAYAN din ang ginanap sa
Ynares gym noong Marso 25, 2009. Umabot sa 328 na pares ang nakapagpakasal
ng walang bayad at mauulit ito sa buwan ng Disyembre. Nagkaroon din
ng salu-salo, na inihanda ni Mayor Boyet para sa mga nagpakasal at
ilang bisita. Ito ay sa pakikipag-
tulungan ng BYLM at Thunderbird.
Pabuya sa mga Empleyado ng Lokal na Pamahalaan
Nagbibigay
ng buwanang incentive sa mga kawani ng Pamahalaang bayan na walang
liban o di kaya’y di nahuhuli sa pagpasok sa opisina. (Si
Mr. Simeon Ison o Ka Imoy sa marami ang sponsor ng naturang programa.)
Buwanang
pagkakaloob ng iba’t ibang appliances sa mga kawani ng pamahalaang
bayan na handog ng mga sumusuporta sa programa ni Mayor na sinimulan
noong Setyembre 2 at natapos noong Disyembre 15, 2008