Dalawang Taong Panunungkulan ni
Mayor Boyet Ynares
Nagkaroon
din tayo ng FEEDING PROGRAM para sa mga batang under weight o malnourished
na may edad na 3-6 yrs old. Sa ilalim ng nasabing feeding program, ang
mga batang napili ay pakakainin ng mga masusustansyang pagkain at magkakaroon
din ng regular monitoring sa kanilang health improvement and condition.
Nagkaroon din ng feeding
program sa mga batang kapos palad upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
Ang
proyekto ay inilunsad ng Kabisig ng Kalahi sa pamamagitan ng Pangulo
nito na si Gng. VICTORIA V. WIENEKE at sa pakikipagtulungan ng Uniliver
Philippines at Mead Johnson. Malugod na sinuportahan ng DSWD Region
IV-A ang naturang proyekto na kasama na rin na lumagda sa Memorandum
of Agreement sa pamamagitan ng Kabisig ng Kalahi at pamahalaang Bayan
ng Binangonan.
Nagkakahalaga
ang proyekto ng P197, 600.00 kasama na ang mga pagkaing masusustansya
(104,000.00) at gatas (93,600.00).