Unang
Dalawang Taong Panunungkulan ni
Mayor Boyet Ynares
Sampu
sa 40 pabahay sa mga naging biktima ng bagyong Milenio at Reming ganap
ng natapos. Kasalukuyang pa rin ang pagtatayo ng 30 pa. Ang buong proyekto
na sinimulan nuong Agosto, 2008 ay may kabuuang halaga na P 2,880,000.00
ay pinondohan ng Department of Social Welfare and Development, Region
IV-A. nagbigay din ng karagdagang pondo ang Punong Bayan CECILIO ‘Boyet’
YNARES ng P 172,000.00.
Ang
mga nakinabang sa proyektong ito ay ang mga nasalantaan ng bahay
ng nagdaang bagyo na napili batay sa mahigpit na pagsusuri na isinagawa
ng kagawaran ng Kagalingan Panlipunan at Pagpapaunlad ( Department of
Social Welfare and Development) sa pakikipagtulungan ng Pambayang Tanggapan
ng kalingang Panlipunan at Pa gpapaunlad Municipal Social Welfare and
Development Office) ng Binangonan. Sila ay nakatira sa Mahabang Parang
(6 ang tapos, 3 kasalukuyan), Macamot (dalawa ang tapos, 4 ang kasalukuyan),
Limbon Limbon (5 kasalukuyan), Pila Pila (2 ang tapos, 9 ang kasalukuyan)
at Rayap (9 kasalukuyan).