You are here: HomeAudio

Audio

Lupang Hinirang Song & Lyrics

 

 "Lupang Hinirang"
The National Anthem
Composed by Julian Felipe on June 12, 1898

Bayang magiliw, perlas ng silanganan.
Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok, sa simoy at
sa langit mong bughaw,
may dilag ang tula at awit
sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y
tagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niya
kailan pa may di magdidilim.

Lupa ng araw, ng lualhati't pagsinta,
buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
ang mamatay ng dahil sa iyo

 

Binangonan March Song & Lyrics

 

Binangonan March

Sa hasik ng giting at tiyaga
Nakamit ang mithing paglaya
Bundok, lawa at bukid
Palad ng kasaganahan

Sa halik ng araw at ulan
Namulat sa gintong aral
Ang mahal ko'y bayang banal
Ang bayan kong Binangonan

Ang tanim na laong nahasik
Hahandugan ng laang pag-ibig
Susog na malasakit
Tatantangin lagi sa isip

Sa hatid na dunong at lakas
Kakamtin bawat pangarap
Aangkini't paglilingkuran
Bayan nating Binangonan

 

Rizal Mabuhay Song & Lyrics

 

Rizal Mabuhay
Official Hymn of Rizal Province

I
Rizal, Rizal Mabuhay
Pangunahin kang lalawigan
Sa kultura't kabuhayan
Pinagpala ng Maykapal
Buhay nami'y nakalaan
Maglingkod sa Inang Bayan

II
Lalawigan kang tanging-tangi
Mahal namin magpakaylan man

III
Ang mga Rizaleño'y masisikap
Puso't diwa sa Diyos, bayan at sa kapwa
Mapalad kami na taga-Rizal
Sa pamumuno ng mga taong may dangal

Repeat I
Repeat II (2x)